Tuesday, October 12, 2010

Bum

Ako ay naghihintay
na may mangyari sa buhay
Lahat ay inaabangan
Hindi na makadaan

Tumirik ng ilang buwan
Ang aking kasiyahan
Wala ng kabuluhan
Ang manatili pang nag aabang

Buhay ng iba ay inaasam
Dahil di hamak na kasiyahan ay nararamdaman
Lumalasap at natitikman ang kamunduhan

Ako ay nakapako sa apat na sulok
Walang magawa kundi tumiklop
Kalunkutan ay pa daan daan
Kasiyahan ba ay nandyan lang?

No comments: