Monday, September 05, 2011

Magna

Magnakaw ay di biro
Maghapon nagtatago
Hindi naman umaamin
Parang laseng kung magsinungaling
Pag sinimulang kwestyunin
Parang anghel ang nakasalin
Sa kanya makikita
Ang mga salitang "Oo ako ay nagkasala"
Sana ay inisip dati pa
Ang epekto ng bawat barya
Na kinuha sa bulsa ng madlang nagdurusa
Kayamanan ay panandalian lamang
kasiyahan at respeto sa sarili ay
panghabang buhay mong kailangan

No comments: