Saturday, June 08, 2013

Landian lang pala


Hawak ang iyong kamay
Buhok mo ay sinusuklay
Meron pang paakbay akbay
Akala ko ito na ay tunay

Landian lang pala
Mayroon bang mapapala
Kahit magmakaawa
Sa bawat tala

Landian lang pala
Ang kayang ibigay
Bakit ba laging sablay?
Landian lang ba ang iyong maiaalay?

Sikreto mo alam ko
Paborito mo ay memoryado
Kahit naka pikit ako
Mukha mo ang nakikita ko

Pag lumalabas
Tawananan natin ay wagas
Pag uwian na ay mag wawakas
Landiang walang kupas

posted from Bloggeroid

No comments: