Tuesday, June 16, 2009

Ako Mismo…

“Simulan mo na ang dapat mong ginawa nung umpisa… Gawin mo na ang dalhilan na pinanganak ka

Ako mismo ay susuportahan ang OPM music. Hindi ako bibili ng pirated OPM cds. Yan ang isa sa mga bagay na alam kong magagawa ko. Isa akong taong mahilig sa musika.

Ako mismo ay magpaparehistro at kikilatisin ang bawat kandidatong tatakbo sa halalan sa Mayo 2010. Hinihintay ko lang na magkaroon ng pasok. Para mas konti ang tao hehehehe….

Ako mismo ay hindi magtatapon ng basura kahit saan. Naiinis talaga ako pag nakakita na tao na nagtatapon kahit saan. Hindi pwede hindi lilipas ang araw na wala akong nakikitang nagtatapon ng basura. Bullshit… Isa pa ang daming dumudura… WTF talaga…

Happy Independence Day!!! Sana huwag nating pabayaan na mapunta lang sa wala ang pinaglaban ng ating mga bayani. Sila ay nagpasakit at binuwis ang buhay upang maging Malaya tayo. Ikaw, ako, tayo, Pilipinong matatapang at matatalino!! Huwag hayaang maloko ng kung sino sino……

No comments: