Wednesday, May 25, 2011

"Habang ang mundo ay may sariling galaw"



Ikaw lang ang hinihintay
Sa bawat oras na lumilipas
Bawat kilos ay minamasdan
Bawat binibigkas ay tinatandaan
Magulong buhok wala akong pakielam
Pawisan man ang katawan ay di hadlang
Gusto kang mayakap kahit sandali
Mahagkan ka'y buo na ang sarili
Hindi ako mawawalan ng pag-asa
Habang ako'y nabubuhay ikaw ang pinpantasya
Nasa taas ka man, ang mundo ay gagawa ng paraan
Upang tayo ay magkatuluyan
Dahil ako ay humingi at naniwala
Ang mundo sa akin ay maaawa

No comments: