Tuesday, May 24, 2011

"Tama bang sabihing I love You"


Tama bang sabihing mahal kita
Kahit na anino mo'y di pa nakikita?
Tama na bang sa isipan ko'y tayo'y masaya
Magkahawak ng kamay at puno ng ligaya?

Sa aking panaginip
Tayo'y magkasintahang puno ng pag-ibig
Sa labi ikaw sa akin ay nakahalik
Apelyido mo sa aking pangalan nakadikit

Ang mundo'y kay hirap masakyan
Bakit kailangan ako'y masaktan
Samantalang ang iba'y puno ng kasiyahan
Lahat ng gusto'y nakakamtan

Bawat araw na lumilipas
Panahon kay bilis pumagaspas
Hinihintay pa rin ang araw na tayong dalawa'y matatanaw
Magkasama at masayang nagsasama
Sa bintana tayo'y nakadungaw.

No comments: