Kubrador
Produksyon: MLR films Jogii Alonzo
Mga Artistang Tampok: Gina Pareño, Fons Deza
Direksyon: Jeffrey Jeturian
Ang Kubrador ay isang pelikula kung saan ay magbubukas sa ating puso at isipan sa tunay na kalagayan ng ating ibang mga kababayan kung saan ay inaasa ang ika bubuhay sa pamamagitan ng sugal at ibang paraan na mabilis ngunit iligal o ang pagkapit sa patalim.
Ang Kubrador ay isang “indie film” o independent film, kung saan ay konti lang ang budget sa pagawa ng pelikula. Dahil dito kitang kita sa Kubrador ang pagkakaroon nito, katulad ng halos isa lang ang sikat na artista at ito ay si Gina Pareño. Mapapansin din na isa lang ang kanilang tagpuan at ito ay sa isang squatter’s area. Puro mga baguhan, di kilala o ekstra lamang ang umaakting, ngunit pinakita nila na may ibubuga sila pagdating sa pag akting. Kung tutuusin ay mas mahusay pa sila kaysa mga ibang mga sikat na artista ngayon. Siguro dahil ang istorya ay totoong nagyayari sa kanilang buhay.
Si Gina Pareño (Amy) ay napakahusay dito. Parang totoong istorya niya ang Kubrador. Ang mga ginagamit na salita ay talagang naangkop sa ating panahon at madaling unuwain dahil sa paggamit ng mga balabal na wika. Ang kanyang asawa naman sa Kubrador na si Fons Daza (Eli) ay hindi nagpahuli. Hindi siya nakain sa pag akting ni Gina. Simple at natural pero tamang tama lang dahil ang istorya ay isang “documentary” tungkol sa buhay ng isang kubrador.
Napaka tipikal lang ang tema ng pelikula. Si Amy ay isang kubrador ng huweteng, samantala ang kanyang asawa na si Eli ay tumatao sa kanilang tindahan. Meron silang mga anak. Kakatapos lang ng kanyang anak na lalaki at ito’y binawian ng buhay. Ang kanyang anak na babae naman ay maagang nag-asawa. Ang napangasawa niya naman ay walang silbi kaya sa kanya parin naka asa. Sa kanilang lugar makikitang talamak ang huweteng. Kahit sino ay tumataya bata, matanda, pati mga pulis na dapat ay hinuhuli sila dahil sa gawaing ito. Napapakita dito ang iba’t ibang katangian ng isang Pilipino. Isa dito ang pagiging masipag ni Amy kahit na siya ay may edad na. Sa ating mga Pilipino hanggang kaya pang gumalaw ay mag tratrabaho parin para sa kanyang pamilya. Makikita din dito ang pagiging relihiyoso. Isa pa ang “bahala na” na kaugalian. Makikita din dito ang pagiging matalungin sa ibang tao. At ang laging pagkakaroon ng pag-asa sa ating puso at isipan.
Sa panonood nito ay kailangan matinding pagtutok at pag intindi dahil may mga eksena mahirap intindihin dahil ito ay ang mga term na ginagamit sa huwetengan.
Ang Kubrador ay “eye opener” sa ating mga Pilipino na walang pakielam sa kapwa na pinagsasawalang bahala ang mga biyaya na binigay sa kanya ng Panginoon. Ito din ay isang paraan upang malaman natin ang totoong nangyayari sa likod ng huwetengan. Ang pag-aayos ng numerong patatamain sa bolahan; ang pangungurakot ng ilang nasa kapangyarihan upang kumita mula sa mga taya sa huweteng; ang pakikinabang ng ilang simbahan sa grasyang abuloy ng nagpapahuweteng; ang tapat bagama't naliligaw na pag-asa sa "suwerte" ng mga tumataya at mga kubrador. Masakit mang aminin pero ito ang katotohanan. Ito ay isa lamang sa mga iba pa nating problema. Ngunit kung tutuusin ay napaka hirap puksain. Hangga’t may kahirapan hindi matatangal ang huweteng sa ating bansa. Ito ang napakita ng pelikula.
Maganda, mahusay ang pelikula kahit na ito ay isang “indie film” ngunit ito ay magdudulot sa iyo ng kalungkutan dahil sa mga tagpo at pangyayari. Ito ay nirerekumenda ko na dapat mapanood ng lahat ng tao upang malaman at magising sa katotohanan na nangyayari sa ating bansa.
No comments:
Post a Comment