Monday, February 12, 2007

“Lihim na Pag-ibig”




Hindi nila alam
Ang aking nararamdaman
Hindi ko masabi
ang aking nararanasan
Kahit na ika’y malapit sa kin
Wag mo na lang akong tanungin
Di ko din aaminin

Masaya na akong ganito
Kahit na may tinatago
Sikreto ko na lang to
Ako na lang ang magtatago

Pero mahirap
Pasan lahat sa king dibdib
Sobrang hapdi
Hanggang kalian ito sa puso ko
Matatago ba o papakawalan na?
Ang laman nitong puso at isipan
Hindi maiiwasan
Lihim ay pakawalan
Kahit na may masasaktan

No comments: