Thursday, March 29, 2007

“Sapat Na Ba Ang Sabihing Mahal Kita?”



Sapat na ba ang sabihing mahal kita?
Kung hindi mo naman maipakita
Sapat na ba ang sabihing mahal kita?
Kung lagi mo na lang akong iniiwan sinta

Ikaw ay palayo ng palayo
Samantalang ako’y palapit ng palapit sa’yo
Nagmamakaawa, nagdurusa
Hindi ko kayang mawala ka sinta

Dumidilim ang paligid
Tumatahimik ang daigdig
Nagtatanong sa sarili
Kung minahal mo nga ba ako sinta?

Sapat na ba ang sabihing mahal kita?
Kung nakita kitang may kasama ng iba
Sapat na ba ang sabihing mahal kita?
Kung alam kung ako’y niloloko mo sinta

Ako ngayo’y namulat
Ngayo’y sobrang nagdurusa
Ng malaman ko na
Hindi talaga sapat
Ang sabihin mong mahal kita

No comments: