“Today is gonna be the day that they're gonna throw it back to you. By now you should've somehow realized what you gotta do”
Ilang buwan na lang at ako ay mag-mamarcha na patungo sa ma damong quadrangle ng aming eskwelahan. Makakapunta na sa kauna-unahang pagkakataon ang aking tatay sa SSC. Makakasuot na ako ng itim na toga. matatangap ko na ang diplomang aking pinagarap simula ng ako ay uhugin pa. Ang diplomang din yon ang sumisimbola ng aking pag tanda at pag papaalam. Paalam na sa pag-aaral. Paalam na sa mga guro…. Paalam na sa mga kaibigan. Paalam na sa buhay skwela. Paalam na sa pagiging dependent. paalam na sa baon. Paalam na…
Ang diploma ay isang simbolo din ng pagpapasalamat. At salamat sa IYO…
Ang diploma din ang sumisimbolo ng bagong hamon sa aking buhay. Ano nga ba ang aking mararating? makakapunta kaya ako patungo sa aking mga pangarap? mahirap sagutin pero madaling mangarap…
Sana pag gising ko bukas March na…. para tapos na ang mga agam-agam, mga nakakatakot na imahinasyon at pag dududa… Sana bukas pag gising ko ay may hawak na akong diploma…
No comments:
Post a Comment