Ako ay naliligaw!
Giniginaw sa isang madilim na sulok
Nililigaw ang aking landas
Ng mga taong mabulaklak ang sigaw
Puro pa pogi lang ang alam ng karamihan
Sila ay nakasentro lang para makilala
Ang daming billboard sa EDSA
Ama’t ina ng propaganda
Ba’t di ilaan ang puso’t isipan
Sa isang musmos na naliligaw
Tinangay ng kahirapan, siya ay humihiyaw
“Tulong, Tulong!!”
Pero ang mga sigaw ay tila bulong lang
Hindi naririnig ng mga taong bobo
Puro pabibo sa media at kongreso
Ang isang milyon nila ay mas ilalaan
Sa mga magagarang kasangkapan
At kakaibang sasakyan
Samantalang ang hinihiling lang ng isang musmos
Ay edukasyong maayos
Magandang bahay
Matiwasay na buhay
Ako ay naliligaw!
Tinatangay ng kasinungalingan
Binuhusan ng kahirapan
Pinapakain ng pagdurusa
Bakit kailngan ganito
Bakit maraming taong gago?
40 milyong naghihirap
Hinahanap ang munting pangarap
Ngunit tayo ay nililigaw lang
Papakainin ng kapirasong ginto
Pag sila ay nanalo
lahat ay kanilang kukupkupin
Wala ng ititira sa’yo
Dahil tapos na ang matagal na pagkukunyari
Matagal ng pinaplano
Ang lahat ng nangyayari sa mundo
Sila ay ating manliligaw
Nililigaw tayo ng landas!
Ako ay naliligaw!
Kailang mahanap ang tamang daan
Magtulungan tayo upang hindi maligaw
Huwag magpapaloko
Huwag maniniwala ng todo
Sila ay magpapabango lamang
Upang ang masangsang na amoy ay matakpan
Ako ay Pilipino!
Ang bawat hakbang na tatahakin
Ay sisiguraduhing tama
Hindi ko hahayaan
Na maligaw ulit tayo ng landas…
Ako, ikaw, tayo
Pilipino at matatalino!
No comments:
Post a Comment