“this time I surrender my everything forever…”
May 4 (Saturday)
I lost my phone while buying stored value ticket at MRT. Actually di naman siya kawalan kasi cheap lang naman yung cellphone. Hanggan ngayon nga di ko alam kung anong model ng Nokia yun. Pero as I said before pareho kami ni Raimund Marasigan… hehehe… ilang beses ko na kasing nakita na ganun ang gamit niya. Like I said din I can live without cellphone pero kailangan talaga siya since sira phone naming at pumapasok pako at para makakuha ng information sa skul. Kakatapos ko lang basahin yung The Secret and I am trying to practice it. At siyempre isang wish ko ay mag ka cellphone. I am not really particular sa model basta may radio kung may camera mas ok siguro… so ayun mukhang magkakaroon nga ako ng cellphone pero ang pangit lang ng paraan. Pero I think yun lang talaga ang paraan para magkaroon ako ng bagong cellphone. I am not really into asking my parents to buy me this buy me that… and I think they will not give me naman. I remember jokingly saying that I wish my cellphone will be stolen so that I can have a new phone. A couple of weeks ago, hindi ko pa nababasa ang The Secret nun, Sunday yun akala ko nawala ko yung phone ko. So sinabi ko na sa nanay ko. Tapos nakita ko din. Then I said sayang! Nakita ko na. so I think the whole “The Secret” is really indeed true.
Ganito kasi ang nangyari. Naka back pack ako kasi dala ko ang laptop ko. So medyo mabigat so nakalagay siya talaga sa likod. Ang haba ng pila at siksikan. Nung nasa linya pa lang… na fi-feel ko na baka may mawala sa bag ko. Tapos ng nasa line na ako na pagbili ng stored value merong mukhang goon sa likod ko. May na fi-feel na kong kakaiba talaga so mga 1 minute lang siya siguro sa likod ko tapos ginilid ko na. tapos nakita ko bukas na yung pocket ng bag ko. Buti naman di ako nag lalagay ng wallet dun at hawak hawak ko na din kasi. Ang nakuha lang ay yung coin purse ko na nagkakalaman ng whapping 6 pesos plus some Hong Kong coins at yung cellphone ko. So kung iisipin mo, ok na din yung nangyari at least di ako tinutukan o kung ano pa kasi dala ko nga yung laptop ko. Natakot nga ako para sa laptop ko. Gusto ko ng umuwi ng nalaman ko yun. Sayang lang naman yung sim card ko kasi may “stored value” din yun. Sa kanya ng yung cellphone sana sim mabalik yung sim card.
Kaya ayokong pumasok eh…
No comments:
Post a Comment