Saturday, April 07, 2007
Nakisabay ang kalikasan sa Rockalikasan
Actually last year pa ito. Since wala pa akong blog nun, ngayon ko na lang i-kwento. So ayun, nagkaroon ng concert sa aming school at ito ay tinawag na Rockalikasan. Kaso dahil sa kalikasan, na postponed ito dahil ito yung mga days na sobra ang ulan. Ang original line up ay: Imago, Sandwich, Itchyworms, 6 cycle mind, Salamin, at Join the Club. 120 bucks ang price. So ayun sinungab ko ang chance na mapanood ito since yung mga high school friends ko ay pupunta din daw. Reunion ito. Ayun punta nga sila. Pero this time nag iba ang line up. Nawala ang sandwich, pumalit ang Calla lily at Urban Dub. Ang unang nag perform ay galing sa aming skul na Ped Xing. Kanta ng mga covers like “Tattooed on my mind” tapos iba pa. kanta din sila ng orig nila. So ayun. I think naunang mag perform ang Join the Club. Kanta ng songs nila “Lunes”, “Nobela” at iba. Di ko alam yung iba kasi hindi nila ako fan. Sumunod ang 6cyclemind. Kanta ng “Sandalan”, “I”, “Trip” at “Mahiwagang Pag-Ibig” (?) Dahil nga sa hindi sanay makakita ng lalaki ang mga tao dun, lakas ng hiyawan nila. Then Imago. Actually si Aia dito nag high school sa amin so habang nag pre-prepare sa next song nag kwe-kwento siya like yung mga girls dito kakaiba. Parang tayo ang nag stand out chu chu… dahil sa napagod ata sa kakasigaw sa 6cyclemind, medyo hindi naka sigaw yung tao sa kanya kaya sabi ni Aia, parang mas malakas ang sigaw ninyo sa kay Ney ha. Hehehe. Tapos parang some students pina baba siya pero sabi niya di pwede di ninyo ako makikita. Hahaha. Kanta siya ng “Akap”, “Anino”, “Tara Let’s” at “Sundo”. Sa “Tara Let’s” nag head stand pa siya. Tapos sunod Salamin. Ito yung band nung anak ni Gary V. plus yung sa pepsi commercial yung guy na nag “Wo wo wo wooooh” ginagaya si Bamboo. Di ko alam yung mga songs nila. Then medyo umulan. So break muna. Nung tumila na. rock and roll ulit. Ning tapos na, yung dalawa kong friend nagpa picture at humalik pa kay Pepsi. Yuck!! Ang pawis nun noh. Tsaka di siya ganun kasikat at ka gwapo. Hehe. Sumunod Calla lily. At that time, hindi pa sila sikat. Yung “Stars” medyo na patutog na sa radyo. Pero di pa talaga ganung ka hit. So di ko alam yung ibang songs na kinanta niya. Tapos “Salamin”. No comment. Then itchyworms. Nakakatuwa nga sila eh. Namigay pa sila ng posters tapos ang nakakuha yung katabi kong friend. Haha. Tapos nag konting “Sugod” sila. Humingi pa nga sila ng permit to sing “Beer” kasi nga Catholic school kami. Ayun kanta ng “akin ka na lang”, “Salapi”. Ayos din sila. Funny guys. Last but not the least Urban dub. Actually kung nauna sila umuwi na kami kasi medyo late na din at naambon. Pero dahil first time ko silang makikita pinag patuloy na namin ang panonood. Kanta ng “Alert the Armory” at “First of Summer”. Ang k.j. ng mga madre pinatitigil na kasi nga medyo nauulan at anong oras na din yun. Kasi sa ticket mga hanggang 9:00 lang dapat. Pero anong oras na din yun. Buti nakanta pa nila yung “First of Summer”. Pero sa last part di na nila na kanta yung last part. Kasi pinatay na yung mic. Tapos nagpapaalamat sila kasi tinapos namin at nanood pa rin kami kahit umuulan na nga. Naririnig ko nga din yung iba eh, sabi nila sana Urban dub na para makauwi na kami. Ang daming naghihintay sa kanila kaso bad trip yung madre 2 lang ang nakanta nila. Pero ok lang. Ang astig niya or I mean nila. Infairness maganda si Lalay Lim.
So ayun. Rock and Roll hanggang umaga!!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment