Waah… I’m very much addicted sa mga bands. I can do stupid things just for the sake of seeing them or hearing them.
Like buying their albums. Ang baon ko lang everyday is 120 bucks. I’m commuting pa, so sa fare ko 24 bucks na balikan, then syempre lunch pa. ang lowest na lunch ay 50 bucks, so magkano na lang natitira sa akin. Ang payat ko na nga. Niloloko ako ng parents ko na adik. Hehe. I’m not eating kasi. Or I eat kaso very minimal. Tipid talaga ako.
Nakakaasar nga when I buy an album nakalagay dun yung orig price. Mga 250 plus lang talaga. But because of that e-vat 280 na ang normal price. Actually 299 na nga ata eh. When I buy albums I consider these things:
1) this album is from my favorite band
2) minsan research muna ako kung worth it
3) tinitignan ko kong how many tracks
4) o kaya listen to it dun sa may listening area
or minsan I forget these things and never mind the price, then tanggalin ang price tag para makalimutan yung presyo. Sometimes dumadating sa point na nanghihinayang ako sa mga pinagbibili ko like I can buy pirated naman but when I’m listening to it nawawala lahat ng aking agam agam. So I understand the pressure that the artist experiencing. They must give 101% of their effort and everything dahil mahirap talaga ang buhay ngayon. Kaya sa mga bands na astig at orig ang tunog, MABUHAY kayo!!! Naks…
No comments:
Post a Comment